Mariing kinukundena ng Council for People’s Development and Governance ang ilang makaulit na atake sa kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa kapisanan ng mga civil society organizations. Partikular na nakaranas ng naturang pag-atake ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at Kilusang Mayo Uno (KMU) sa tuluyang pagtanggal ng kanilang facebook pages ngayong araw, sa gitna ito ng nakatakdang pagharap sa High Level Mission ng International Labor Organization (ILO). Kasalukuyang narito ang mga kinatawan ng ILO HLM para imbestigahan ang extrajudicial killings at labor rights violations sa sektor ng mga manggagawa sa Pilipinas.
Ang panawagan ay #UpholdHumanRights

