
Minamaliit ang kakayanan ng mamamayan na maglunsad ng organisadong pag-angkop sa pandemya. Sa bagay, organisado naman talaga ang pagtugon ng mga organisasyong inaakusahang komunista at terorista. Gagap nila ang tunay na kalagayan ng mamamayan kung kaya may kakayanan sa organisadong pagtugon sa mga krisis at sakuna.
Sa halip na siraan ng NTF-ELCAC ang mga community pantries, mas mainam na buwagin na lamang ito at ilagay ang malaki nilang pondo sa mga community pantries. –Liza L. MazaCouncil for People’s Development and Governance Spokesperson