Inaasahang magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan nina US Secretary of State Marco Rubio at Presidente Bongbong Marcos Jr. kasabay ng paglahok ni Rubio sa serye ng mga ASEAN Ministerial Meetings sa Pilipinas.
Kabilang sa inaasahang mapag-uusapan ay ang Pax Silica, isang kasunduan kung saan kasama ang pagpapagawa ng mga pabrika at pasilidad para sa Artificial Intelligence. Ito ay itatayo sa 1,620 ektaryang lupa na nakapaloob sa Luzon Economic Corridor. Ang Pax Silica ay magdudulot ng pinsala sa kalikasan, pagkawasak sa kabuhayan, at pagpapalayas sa mga pamayanan.
#NoToPaxSilica
